1. Home >
  2. Education & Reference >
  3. Words & Wordplay >
  4. Resolved Question
Chingkay Chingkay
Member since:
January 14, 2009
Total points:
98 (Level 1)

Resolved Question

Show me another »

Translate this to Filipino.?

As Anais Nin states, "Dreams are necessary for life." They add value to our lives and to the lives of others. But dreams are also like a flickering candle. A gentle breeze or unexpected draft can easily snuff it out. The fragile flame which represents our desires needs to be protected to remain burning.

However, weaknesses such as feelings of inadequacy, fear of failure, and poor association can easily blow out our ambitions, resulting in wasted potential and unrealized dreams. What can we do to protect our goals from our frailties?

We all know human frailty is part of life. However, HOW we handle discoveries about ourselves is key. The wise person seeks the truth and allows themselves to receive feedback from a trusted source-their own self. Through self-observation, we can recognize and audit areas of counterproductive behavior.
  • 10 months ago
editaur_mom by editaur_...
Member since:
February 21, 2007
Total points:
1032 (Level 3)

Best Answer - Chosen by Voters

Gaya ng sinasabi ni Anais Nin, "Ang mga pangarap ay kinakailangan sa buhay." Sila ay nagdaragdag ng kabuluhan sa ating buhay at sa buhay ng iba. Subalit ang mga pangarap ay gaya rin ng kandilang aandap-andap. Ang apoy nito ay madaling patayin ng isang mahinang simoy o biglaan ihip ng hangin. Ang mahina nitong apoy na kumakatawan sa ating mga hangarin ay kailangang protektahan upang manatiling nagliliyab.

Gayunman, ang mga kahinaang gaya ng mga damdamin ng hindi kasapatan, takot sa kabiguan, at maling pakikisama ay madaling makakitil sa ating mga adhika, na humahantong sa nasayang na potensiyal at mga hindi naabot na pangarap. Ano ang ating magagawa upang ipagsanggalang ang ating mga mithiin mula sa ating mga kahinaan?

Alam nating lahat na ang kahinaan ng tao ay bahagi ng buhay. Gayunman, kung PAANO natin ginagamit ang mga bagong kaalaman tungkol sa ating sarili ang siyang susi. Ang taong marunong ay hinahanap ang katotohanan at hinahayaan ang kanyang sarili na tumanggap ng katugunan mula sa isang pinagkakatiwalaang pinanggagalingan - ang kanilang sarili. Sa pamamagitan ng pagmamatyag sa sarili, kaya nating makita at makilatis ang mga bahagi ng pag-uugaling nakasasama.

Source(s):

http://www.lingvozone.com/main.jsp?langu… and 30 years of speaking the language
  • 10 months ago
100% 1 Vote

There are currently no comments for this question.

Other Answers (1)

  • ncoy_tx by ncoy_tx
    Member since:
    April 20, 2006
    Total points:
    910 (Level 2)
    At sa pagkasabi ni Anais Nin, "And ating mga panaginip ay kailangan sa buhay". Nagbibigay ito ng kabuluhan sa ating buhay at buhay ng ibang tao. Pero ang ating mga panaginip ay parang namamatay na kandila. Konting ihip ng hangin at mamatay ito. Ang namamatay na apoy ay ang ating mga hinihiling sa buhay upang ito ay laging umaapoy.

    Pero, and kahinaan natin sa pagdaramdam ng kakulangan, takot sa pagkabigo at kawawang pag kontrol ay madaling nakakapatay sa ating mga pangarap, nasasayang na potential at di-nakikilalang panaginip. Ano ang magagawa natin para ma-protektahan ang ating mga plano upang labanan ang ating kahinaan?

    Alam natin na ang kahinaan ay kasama sa ating mga buhay. Pero, PAANO natin aayusin ang ating mga natuklasan tungkol sa ating mga sarili na nagsisilbing susi. Ang makabuluhang tao ay naghahanap ng katotohanan at pinapayagan ang kanilang mga sarili na makatanggap ng saloobin galing sa maasahang bagay-ang kanilang sarili. Kahit na sariling pag-oobserba, kaya nating makilala at ma-isaayos and mga lugar na nagsisi-ayos sa ating mga ugali.
    • 10 months ago
    0% 0 Votes

Answers International

Yahoo! does not evaluate or guarantee the accuracy of any Yahoo! Answers content. Click here for the Full Disclaimer.

Help us improve Yahoo! Answers. Send Feedback