Sa Dilim Sa Umaga , tinalakay ang tungkol sa anomalya sa tanggapang pinaglilingkuran ni Antero at pinamumunuan ni Mr. Collas. Ang tanggapang ito ay isang sangay ng gobyerno na namamahala sa komunikasyon. Isiniwalat dito ang ginagawang panloloko sa tao ng ilang pulitikong kauri nina Mr. Collas at Senador Montano; pang-aapi sa mga api nang tulad ni Meliton; anomalya sa mga ospital na nagbibili ng bangkay ng pasyente. Inilahad din ang tungkol sa kilusang pangnasyonalismo sa pamumuno nina Ligaya at Bayani; demonstrasyon ng kabataan at kilusang manggagawa laban sa ilang kampanya ng gobyerno, atbp. Dapat sana ay nakaiwas na ang nobelang ito sa daloy ng "romantisismo" subalit nakita pa ring sa katapusan ng nobela ay ibig tumakas ni Antero sa katotohanang nagaganap sa kanyang kapaligiran. Natakot pa rin siyang makipagtunggali sa katotohanan at humanap ng lunas sa kanyang mga suliranin at sa suliranin din ng kanyang bayan. Nanaig pa rin ang pag-iwas na ito ni Antero - eskapismo pa rin ang kalutasang sinuungan niya. At nang makumbinsi na siyang sumama sa demonstrasyon, ang dahilan ay si Ligaya at hindi ang pagtaas ng kanyang kamalayang panlipunan. Malaki ang pag-ibig ni Antero kay Ligaya at ito ang hindi niya matatanggap na mawala sa kanya. Romantiko pa rin ang naging dahilan sa pagsapi ni Antero sa demonstrasyon ng kabataan.
( "Dilim Sa Umaga" , takes up the subject of anomalies in the office where Antenor worked, headed by Mr. Collas. This office is an agency of the government that oversees communication. The story tells of how politicians like Mr.Collas and Senator Mondano fool of the people, oppress the likes of Meliton; anomalies in the hospital like sale of cadavers of patients. It also tells of the national movement headed by Ligaya and Bayani; demonstrationhs of the youth and labor movement agains government companies, etc.. This novel should have escaped the flow of romanticism, but it was seen at the end that Antenor wanted to escape the reality of his surroundings.. He was still afraid to wrestle with the truth and find solutions to the problems of the country.. This avoidance by Antenor still triumphed - escapism was still the solution where he plunged into. And when finally he was convinced to join the demonstration, Ligaya was the reason and not social awareness. Antenor's love for Ligaya was so great he could not accept he would lose her. Romanticism was still Antenor's reason for joining the youth demonstration.)

